SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Wika ng mga Dipolognon: Ang Bagong Bihis ng Filipino Slang

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DAISY P. RUIZ, MA LARA O.ECA MARIA ELIZABETH J. AMBA



ABSTRACT

——Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy at maunawaan ang naging pagbabagong-bihis ng mga Filipino slang na ginagamit ng mga GenZers ng Dipolog City. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan na may deskriptibong desinyo upang mailarawan ang mga karaniwang ginagamit na Filipino slang at masuri ang naging pagbabagong-bihis ng mga ito ayon sa paggamit ng mga respondente. Napatunayan na ang mga salitang slang na ginamit ng mga GenZers ay patuloy na nagbabago–may ilang salitang nananatiling popular, may iba namang unti-unting naglalaho. Natuklasan din na ang ilang Filipino slang ay nagkaroon ng pagbabagongbihis sa anyo at gamit sa paglipas ng panahon..Lumilikha ang mga GenZers ng sariling wika, gamit ang iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagbabaligtad, pagpapaikli, pagbabago ng ispeling, akronim, at pagpapalit ng salita sa salita. Ipinapakita ng pag-aaral na bagamat buhay at patuloy na nagbabago ang paggamit ng Filipino slang sa hanay ng mga GenZers sa Dipolog City, may ilang anyo nito na mas tinatangkilik kaysa sa iba. Ang mga salik tulad ng edad at kasarian ay may mahalagang papel sa pagbabagong-bihis ng wikang ginagamit ng kabataan sa kanilang pang-arawaraw na pakikipagkomunikasyon. Kaya naman, inirerekomenda na ipagpatuloy at higit pang palalimin ang pag-aaral sa mga salitang slang at ang kanilang ebolusyon upang mas maunawaan ang proseso ng kanilang pagbabago. Ang pagbuo ng isang diksyunaryo ng mga slang ng GenZers ay maaaring makatulong sa pagpapalawig ng kaalaman at pagpapadali ng ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang henerasyon. Bukod dito, mahalagang pag-aralan din ang epekto ng paggamit ng slang sa pasulat at pasalitang diskurso upang masuri ang impluwensya nito sa wika at komunikasyon. Keywords: GenZers, Slang, Bagong-bihis, Wika, Dipolognon