ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
——Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang leksikal na varyasyon ng Wikang Subanen sa Sindangan at Katipunan, Zamboanga del Norte, upang matukoy ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga diyalekto. Ang mga natuklasan ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga programa para sa edukasyon at preserbasyon ng wika, at mag-aambag sa mas malawak na pag-unawa sa linggwistikang pag-aaral. Ginamit ang disenyong deskriptib-analitik na kinapapalooban ng pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagtatanong, pakikipanayam at pagrerecord. Isinagawa rin ang Focus Group Discussion na ang mga sangkot ay pawang mga kasapi ng pangkat etnikong Subanen sa nasabing lalawigan. Mula sa mga datos ay hinambing at sinuri ng mananaliksik ang varyasyon ng Subanen Sindangan at Subanen-Katipunan na may malaking kontribusyon sa kalinangang pangwika. Batay sa mga halimbawa ng terminolohiya na nakalista sa bawat talahanayan, lumitaw na ang dalawang munisipalidad ay may mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pagbuo ng mga salita. Ang mga leksikal na varyasyon ay nagpapakita ng impluwensya ng kultural, sosyal at heyograpikal na pagkakaiba na nagreresulta sa hindi pagkakapareho ng mga pagpapahalaga at paggamit ng wika. Iminumungkahi na hikayatin ang mga katutubong Subanen na gamitin ang kanilang katutubong dayalek sa araw-araw na pakikipag-usap upang mapanatili ang kanilang wika. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng kampanya na nakatuon sa masusing pag-aaral ng iba pang wika sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, na magpapayaman at magpapaunlad sa Wikang Filipino. Keywords: Dayalek, Subanen, kultura, Leksikal, Varyasyon, Katutubo