ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
——Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagtatalunton at pagsasalin sa mga kaalamang-bayan ng Ifugao, tungo sa pagbuo ng isang aklat na panitikang pamabata. Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng palarawang pamamaraan. Ginamit and di-binalangkas na pakikipanayam mula sa piling tao ng matatandang maalam sa wikang Tuwali at sampung tao na Ifugao na guro sa Filipino kaya nagkaroon ng isang Dalisay na salitang saliksik. Sa resulta ng pag-aaral, lumabas sa result na iilan ang mga napanatiling mga kaalamang-bayan sa pag-uuri ay ang mga sumusunod: tugmang panudyo, palaisipan, bugtong at iba pang kaalamang bayan, dahil din sa impluwensya ng makabagong panahon. Ginagamit ang gabay sa pagsasalin ni Newmark, mula sa kanyang ang sumusunod na sinundan sa pagsasalin, isa-sa-isang pagtutumbas, salitang hiram,kultural na pagtutumbas, pagpapaikli, at paraprasis. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ang pagkakaroon pa ng ilang pananaliksik sa mga natatagong hiyas na kaalamang-bayan na hindi pa nailathala para sa makabagong henerasyon, pagkakakilanlan sa sariling kaalamang-bayan para sa mas maunlad na pagtangkilik sa sariling lahing kaalamang-bayan. Keywords: Tuwali, Pagsasalin, wikang katutubo, wikang Filipino, talunton, panitikang bata