ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
——Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagbuo ng isang kagamtiang pampgatuturo para sa antas elementarya.Layunin ng pag-aaral na matukoy kung ano ang mabubuong kagamitang pampagtuturo para sa kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ,matukoy ang mga proseso proseso sa pagbuo ng kagamtiang pampagtuturo para sa pagkatuto sa pagbasa at pag-unawa at malaman ang mga iba’t ibang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ang mapapaloob sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo. Ginamit sa pag-aaral ang deskritibong pamamaraan .Lumabas sa resulta na ang nabuong kagamitang pampagtuturo ay nahahati sa iba’t ibang seleksiyon na nabuo sa malikhaing pagsulat at pagsasalin mula sa iba’t ibang akda na maaring gamitin para pagbasa,sa bawat seleksiyon ay may naihandang kasanayan na gagamitin para sa pagsasanay tungo sa pag-unalad sa pagbasa at pag-unawa sa binasa.Ang proseso sa pagkuha ng ginamit na datos ay gawa sa malikhaing pagsulat,pagpapabalido at pagsasalin upang mabuo ang kagamitang pampagtuturo sa pagbasa.Sa pagbuo ng isang kagamitang pampagtuturo sa larang ng pagbasa ay kailangan ang pagangkop sa mga pagsasanay para sa mas lalong ikabubuti ng kagamitang pampagtuturo para sa pagpapaunlad sa kakayahan sa pagbasa at pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral. Keywords: Kagamitang Pampagtuturo, Kakayahan sa Pagbasa ,Pag-unawa sa binasa, Sanayang Aklat