SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Batangueno Lokalisadong Teksto Interbensyon para sa Kasanayang Pagbasa (BALTIK): Mungkahing Programa sa Dibisyon ng siyudad ng Tanauan

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DONNA HIDALGO AGOJO



ABSTRAK

—— Ang paglinang ng kasanayan sa pagbasa sa unang baitang ng edukasyon ay mahalagang salik sa pangkalahatang pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng kanilang pag-unawa at pagganap sa iba pang larangan ng pagkatuto. Sa kabila ng umiiral na mga programang pang-literasi, nananatili pa rin ang suliranin sa mababang antas ng kasanayan sa pagbasa, partikular sa mga kontekstong may limitadong kagamitang panturo, hamon sa wikang ginagamit sa pagtuturo, at kakulangan sa suportang pangtahanan. Layunin ng pag-aaral na ito na tasahin ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga magaaral sa Baitang 1 hanggang 3, tukuyin ang mga salik na nakaaapekto rito, at makabuo ng isang angkop na programang interbensyon upang matugunan ang mga natukoy na pangangailangan sa literacy development. Ginamit sa pag-aaral ang Convergent Parallel Mixed Methods Design, kung saan sinuri ang kuwantitatibong datos mula sa Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) ng 264 na mag-aaral gamit ang deskriptibong estadistika at correlation analysis, habang ang kwalitatibong datos ay nakalap sa pamamagitan ng panayam at focus group discussion. Ipinakita ng resulta na 84 na mag-aaral ang nasa antas ng Full at Moderate Refresher, na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa agarang interbensyon. Natukoy rin ang napakalakas na negatibong ugnayan sa pagitan ng mga salik at antas ng kasanayan sa pagbasa (r = -0.9997, p < .05), na nagpapakita na habang tumitindi ang mga hadlang sa pagkatuto, lalong bumababa ang antas ng kasanayan sa pagbasa. Sa kwalitatibong pagsusuri, lumitaw ang mga pangunahing hamon tulad ng kakulangan sa kagamitang panturo, limitadong bokabularyo, kahinaan sa phonics, hadlang sa wikang panturo, at kakulangan sa suporta sa tahanan. Ang integrasyon ng mga datos ay nagpatibay sa pangangailangang magpatupad ng isang sistematiko at kontekstuwalisadong interbensyon. Batay sa mga natuklasan, binuo ang BALTIK (Basa at Literasi Tungo sa Inobatibong Kasanayan), isang programang interbensyon na nakatuon sa paggamit ng lokal na wika at interaktibong estratehiya upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at mapalakas ang literacy development ng mga mag-aaral sa mababang baitang. Mga Susing Salita: pagbasa, interbensyon, literacy development, lokalisadong teksto, BALTIK, komprehensyon