ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang ugnayan ng pampagkatutong karanasan at komunikatibong kakayahan sa silid-aralan sa Asignaturang Filipino ng mga magaaral sa Baitang 7 sa mga pampublikong paaralan ng Sta. Maria, Sangay ng Davao Occidental. Gumamit ang pag-aaral ng non-experimental na descriptive-correlational na disenyo upang mailarawan ang kasalukuyang antas ng mga baryabol at masuri ang relasyon sa pagitan ng mga ito. Kinuha ang datos mula sa 400 mag-aaral gamit ang dalawang talatanungan bilang pangunahing instrumento. Ang nakalap na datos ay sinuri gamit ang Mean, Standard Deviation, at Multiple Regression Analysis. Ipinakita sa resulta ng pag-aaral na ang kabuoang antas ng pampagkatutong karanasan at komunikatibong kakayahan ay mataas, na nangangahulugang positibo ang pagtingin ng mga mag-aaral sa kanilang karanasan sa pagkatuto at kakayahang makipag-ugnayan gamit ang wika. Samantala, sa aspekto ng komunikatibong kakayahan, ang panglinggwistika at askyunal na kakayahan ay kapwa nasa katamtamang antas, na maaaring nagpapahiwatig ng limitadong oportunidad para sa mas malalim na paggamit ng wika sa makabuluhang konteksto. Napatunayan ng pag-aaral na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pampagkatutong karanasan at komunikatibong kakayahan. Sa liwanag ng mga natuklasan, inirerekomenda ng mananaliksik na palawigin pa ang mga estratehiyang pedagogikal na nagtataguyod ng aktibong pagkatuto at mabisang komunikasyon sa Asignaturang Filipino. Keywords — Pampublikong paaralan, pampagkatutong karanasan, komunikatibong kakayahan, Filipino