SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Epektibidad Ng Mga Graphic Organizer Sa PagUnawa Sa Binasa Ng Mga Mag-Aaral Sa Ikaanim Na Baitang Sa Asignaturang Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

MARICAR ARPON DE PAZ



ABSTRACT

— Isinagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang epektibidad ng paggamit ng mga Graphic Organizer sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 6 sa asignaturang Ingles sa Palarao Elementary School sa Dibisyon ng Leyte. Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay magiging batayan sa pagbabalangkas ng isang Reading Intervention Plan. Gumamit ang mananaliksik ng Quasi-Experimental Research Design upang masukat ang pagkakaiba ng marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post-test ng kanilang pagganap sa pagbasa. Ipinakita sa talaan ng datos ang naging tugon ng mga kalahok bago at pagkatapos isagawa ang interbensyon gamit ang graphic organizers sa tulong ng iba’t ibang materyales sa pagbasa na inihanda ng guromananaliksik. Tumagal ng apat (4) na linggo o isang buwan ang implementasyon ng nasabing interbensyon. Batay sa resulta, mayroong positibong epekto ang paggamit ng graphic organizers, partikular sa pagpapabuti ng kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral. Malinaw na ipinakita ng datos na mas mababa ang nakuhang marka sa pre-test kumpara sa mas mataas na marka sa post-test matapos silang turuan gamit ang graphic organizers. Napatunayan sa estadistikang pagsusuri, partikular sa computed t-value, na mas mataas ito kaysa sa critical t-value, kaya’t ang hypothesis na nagsasabing walang makabuluhang pagkakaiba sa pretest at post-test na pagganap sa pagbasa ng mga mag-aaral ay tinanggihan. Ibig sabihin, may makabuluhang epekto ang paggamit ng graphic organizers sa pagtuturo ng mga batayang kasanayan sa pagbasa. Ipinahiwatig sa Talaan 3 na ang integrasyon ng mga graphic organizers sa pagtuturo ng mga aralin sa pagbasa ay epektibong nakatutulong sa pagpapahusay ng kakayahang umunawa at bumasa ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng mga makabago at angkop na estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa, lalo na sa mga mag-aaral na nahihirapan dito, ay napakahalaga. Nang matanggap ng mga mag-aaral ang interbensyon, nagkaroon sila ng kumpiyansa sa pagbasa at pagunawa, at naging mas aktibo sila sa talakayan at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kamag-aral, dahil sa dagdag nilang kaalaman at kasanayan sa pagbasa. Keywords — Epektibidad, Graphic Organizer, Ika-anim na Baitang, Filipino