SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Klimang Pangklasrum at Akademikong Performans ng mga Mag-aaral sa Sekundarya ng JRMSU, Dapitan at Katipunan Campus

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

SHEILA BAYRON-SIBAYAN, MA-Fil



ABSTRACT

——Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang klimang pangklasrum at akademikong performans ng mga mag-aaral sa sekundarya mula baitang 8 hanggang 10 ng Jose Rizal Memorial State University, Dapitan at Katipunan Campus, taong panuruan 2023-2024. Ito ay gumamit ng descriptive-correlational na pamamaraan ng pananaliksik sa tulong ng isang talatanungan. Naging resulta na labis na naobserbahan ng mga mag-aaral ang pamamahala ng mga guro sa aktibidad ng pagkatuto upang tumugon sa mga indibidwal na pangangailangan, panghihikayat sa kanila na makilahok sa mga aktibidad ng pagkatuto, at pagsuporta nito upang makamit ang kanilang pagkatuto. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang klimang pangklasrum kapag ang mga mag-aaral ay pinagsama ayon sa kanilang edad subalit walang makabuluhang pagkakaiba ang lebel ng klimang pangklasrum kapag sila ay pinagsama ayon sa kanilang kasarian at antas ng baitang. Mayroon ding makabuluhang pagkakaiba ang akademikong performans ng mga mag-aaral kapag sila ay pinagsama ayon sa kanilang kasarian at antas ng baiting ngunit walang makabuluhang pagkakaiba ang akademikong performans nila kung sila ay pinagsama ayon sa kanilang edad. Dagdag pa, hindi apektado ng klimang pangklasrum ang akademikong performans ng mga mag-aaral. Gayunpaman, inirekomenda sa pag-aaral na ito na gamiting batayan ng mga pinuno ng paaralan at tagapagtaguyod ng gabay (guidance) ang pananaliksik na ito sa pagbuo ng mga plano sa pagkilos, at maglaan ng mga mapagkukunan sa estratehikong paraan at maisali sa kanilang programa at adbokasiya ang pagpapabuti sa positibong klimang pangklasrum. Hinikayat din ang mga guro sa Filipino na pahusayin pa ang kanilang mga kasanayan sa pagtuturo, pagbutihin ang kinalabasan ng mga mag-aaral, at pagyamanin ang isang pansuportang klimang pangklasrum ng Filipino para sa pagkatuto. Mga Susing Salita: Klimang pangklasrum, akademikong performans, mag-aaral sa sekundarya, JRMSU, Dapitan, Katipunan