SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Nuggets, Na-Gets: Pagsusuri sa Pananaw ng mga Guro sa Pagpapatupad ng Microlearning sa Panahon ng Digital Atensyon

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

FELIX JR. PAN ALBO, MAEd ESTRELLA BERSE-SALAZAR, EdD RAYMUND M. PASION, PhD



ABSTRAK

——Ang pagbaba ng lawig ng atensyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay isang mahalagang usaping pang-edukasyon sa panahon ng digital atensyon. Layunin ng pag-aaral na ito na maunawaan ang pananaw ng mga guro hinggil sa pagpapatupad ng microlearning bilang tugon sa hamong dulot ng umiikling lawig ng atensyon ng mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong deskriptibong disenyo upang masuri nang mas malalim ang mga karanasan at pananaw ng mga kalahok. Sampung guro at administrador ang pinili sa pamamagitan ng malayuning pagpili at isinailalim sa panayam. Sa pamamagitan ng mapanuring tematikong pagsusuri, natuklasan na ang microlearning ay isang makabagong dulog na nagdudulot ng pagbabago sa nilalaman ng pagtuturo, paggamit ng midya at teknolohiya, at mga gawi sa pagtuturo at pagkatuto. Lumitaw din na ang pagiging mabisa nito ay nakasalalay sa kalagayan ng mga magaaral at sa kakayahan ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya at estratehiyang pedagohikal. Binigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na midya at teknolohiya upang maging episyente at makabuluhan ang makabagong proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Iminumungkahi sa mga susunod na pananaliksik ang paggamit ng exploratory factor analysis, mediation analysis, at regression analysis upang higit pang mapalalim ang pagsusuri sa epekto at paghubog ng microlearning sa panahon ng digital atensyon. Mga Susing Salita: microlearning, digital atensyon, lawig ng atensyon, pagtuturo at pagkatuto, midya at teknolohiya, nuggets, “na-gets”