ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino at mga salik na nakaaapekto sa kanilang kakayahang panggramatika. Nilalayon din nitong makalinang ng isang interbensyon upang lalong mapaunlad ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan na mataas ang antas ng kakayahan mga magaaral sa iba’t ibang bahagi ng panalita maliban sa pananda na katamtaman ang antas na natamo ng mga mag-aaral. Ang mga salik na nakaaapekto sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ay ang interes, eksposyur sa social media, estratehiya sa pagtuturo, kaalaman sa tuntuning panggramatika at aklat o mga sanggunian. Mula sa mga resultang ito, ang interbensyong nabuo para mapaunlad ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral ay palihan. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na kongklusyon ay nabuo: kailangan pang paunlarin ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino; maraming mga salik ang nakaaapekto sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral; Batay sa kinalabasan at nabuong kongklusyon, iminumungkahi ang mga sumusunod: paunlarin ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay na makatutulong sa kanilang lubos na pagkatuto; isaalang-alang ang iba’t ibang salik na nakaaapekto sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral para sa paghahanda ng mga gawain o pamamaraan na makatutulong sa kanilang pagkatuto; at magplano ang mga guro ng mga palihan o iba pang seminar upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Susing-salita: kakayahang pangwika, lingguwistika, kamalian, gramatika