ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Layunin ng ng pag-aaral na matukoy ang kasaysayan ng mga Blaan sa Brgy. Pisan, Kabacan mula sa kanilang Kuwentong Bayan. Ginamit ang Kwalitatibong disenyo ng pananaliksik at sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng deskriptibong pamaraan partikular ang kontent analisis. Ang pamaraang ginamit ay pamaraang indihenus o pangkatutubo. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga Kwentong Bayan ay nagsasalaysay ng mga paglalakbay ng mga tauhan upang maghanap ng makakain, manghuli ng hayop sa gubat, dahil sa paanyaya ng pamilya o kakilala, pagdalo sa mga pagdiriwang at iba pa. Ang mga paglalakbay na ito ng mga tauhan sa kuwento ay iniuugnay sa pagdating ng mga Blaan sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato. ginagamit sa iba’t ibang pagdiriwang. Napatunayan na maaaring matalunton ang kasaysayan ng Blaan sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato sa kanilang Kuwentong Bayan. Ipinakitang ang kanilang paglalakbay ay bunga ng kanilang mga pangangailangan at karanasan na pangunahing iniuugnay sa proseso ng pagbuo ng kanilang pamayanan sa Pisan. Mga Susing Salita: Blaan, Kasaysayan, Kwentong Bayan, Kabacan