SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Suporta ng Guro Bilang Tagapamagitan sa Ugnayan ng Estratehiya sa Pagkatuto ng Wika at Komunikatibong Kasanayan ng mga Mag-Aaral sa Senior High School

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

RHONA ANN D. BAMA, MAEd ESTRELLA B. SALAZAR, EdD



ABSTRACT

——Ang mababang komunikatibong kasanayan ay isang pandaigdigang suliranin sa edukasyon. Sinuri ng pag-aaral na ito ang papel ng suporta ng guro bilang tagapamagitan sa ugnayan ng estratehiya sa pagkatuto ng wika at komunikatibong kasanayan. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng prediktibong disenyo, stratified random sampling talatanungan, at inilapat ang mga predictive na pamamaraan ng pananaliksik. Natuklasan mula sa 309 na mga mag-aaral na ang suporta ng guro ay bahagyang namamagitan sa ugnayan ng estratehiya sa pagkatuto ng wika at komunikatibong kasanayan, bagama’t mas malaki ang direktang epekto (86.2%) kumpara sa dituwirang epekto (13.8%). Ang resultang ito ay tumutugon sa bahagyang suporta sa Teoryang Sosyokultural ni Vygotsky. Maaaring tuklasin ng mga susunod na pag-aaral ang iba pang baryabol na tagapamagitan at gumamit ng kwalitatibong pananaliksik. Inirerekomenda sa mga guro ng wika na tuwirang magturo ng mga estratehiya sa pagkatuto ng wika bilang pangunahing interbensyon upang mapaunlad ang komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral. Keywords: Suporta ng guro, tagapamagitan sa ugnayan, estratehiya sa pagkatuto ng wika, komunikatibong kasanayan, mag-aaral sa senior high school