SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Etnograpikong Pagsusuri sa mga Akdang Katutubo ng mga Ayta

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DHANA ROSE B. DEMATE CATHERINE N. LUMANTA, PhD



ABSTRACT

——Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang epekto ng migrasyon sa mga akdang katutubo ng mga Ayta. Kuwali-kuwantitatibong etnograpikong disenyo ang ginamit upang mailarawan at masuri ang panitikang-bayan. Sa pamamagitan ng pakikipanayam, sa tulong ng gabay na tanong nakalap ang mga nanatiling akdang katutubo ng 14 migranteng Ayta sa Sta. Cruz, Zambales. Samantala, talatanungan o likert scale ang ginamit sa 15 lokal na katutubong Ayta sa Botolan, Zambales, na sumuri sa pagbabago ng mga panitikang-bayan bunga ng migrasyon, may kabuuang 29 katutubong Ayta sa Zambales. Sa pamamagitan ng naratibong pag-aanalisa at mga estadistikang datos, natuklasan na karamihan sa mga katutubong Ayta ay walang pormal na edukasyon, nagmula sa Botolan, Zambales, 15-19 taon ng naninirahan sa Sta.Cruz, Zambales, nasa edad 60-69 at pagputok ng bulkan ang naging pangunahing dahilan ng migrasyon. Sa epekto ng migrasyon sa kanilang karanasan, paniniwala at pagpapahalaga,lumalabas na bago maganap ang migrasyon ang mga Ayta ay may matatag na panitikan, pamumuhay at tradisyon na nakasentro sa kalikasan. Ngunit dulot ng pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991, unti-unting humina ang pagsasalin, maging sa sistema ng pamumuhay nagbago dulot ng pakikiangkop sa bagong lipunan. At mula sa resulta nakabuo ng talaan ng antolohiya ng mga katutubong Ayta sa Zambales. Ang paglulunsad ng programang i-digitalize ang mga akdang katutubo sa iba’t-ibang multimedia platforms, pagpapasa sa national bookstore, isama sa lokal na kurikulum at ipagpatuloy ang pagaaral sa iba pang uri ng panitikang-bayan upang mapanatili, mapreserba at maipakikilala ang mga akdang katutubo ng mga Ayta. Keywords: Etnograpiko, Migrasyon, Panitikang-Bayan, Katutubo, Antolohiya, Ayta