SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Ang Paggamit ng Eupemismo: Tungo sa Mabisang Komunikasyon sa mga Lokal na Tanggapan

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

FIDES CLAIRE P. CATBAGAN DR. MYRA C. CATUNGAL



ABSTRACT

——Ang pananaliksik na ito ay tumuklas sa antas ng paggamit ng eupemismo tungo sa mabisang komunikasyon sa mga lokal na tanggapan partikular sa mga empleyado ng Mayor’s/Licensing Office, Office of the Treasury at Office of the Civil Registry sa mga munisipalidad ng Probinsya ng Pangasinan. Ang pananaliksik ay nagsagawa ng pangangalap ng datos sa kanilang propayl, antas ng kaalaman sa paggamit ng eupemismo sa panlipunan, pampersonal at pampropesyunal hanggang sa kaugnayan ng kanilang propayl at antas ng kaalaman sa paggamit ng eupemismo at mula rito ay nag-interbyu sa mga piling empleyado kung bakit mababa ang antas sa paggamit ng eupemismo at mula rito ay nagsagawa ng polyeto upang mas mapalawig at masolusyunan ang mababang antas sa paggamit ng eupemismo. Gumamit ng mixed method sa uring exolanatory na kung saan ang kwantitatibong kwestyuner ay nasa unang bahagi ng panganagalap ng datos at mula sa mga naging tugon ay napagpasyahang gamitin ang kwalitatibong kwestyuner bilang pangalawang bahagi sa pamamagitan ng interbyu na siyang nakalikom ng mga sagot kung bakit mababa ang antas ng kakayahan ng mga empleyado sa paggamit ng eupemismong pampersonal. Ang mananaliksik ay bumuo ng interbensyon na polyeto base sa mga panlabas at panloob na dahilan ng mababa ang ng mga empleyado sa antas sa paggamit ng eupemismo. Lumabas sa pananaliksik na karamihan ay babae na nasa pagitan ng edad 40 hanggang 50, mga nakapagtapos sa kolehiyo at nasa pagitan na ng ikalawang (2) dekada sa serbisyo at gumagamit ng isang (1) wika sa transaksyon. Napag-alaman na sa antas ng paggamit ng eupemismo ng mga empleyado na sila’y Napakahusay sa antas panlipunan, pampersonal at pampropesyonal. Sa pananaliksik, tanging sa pampersonal na atas lamang sa paggamit ng eupemismo nagkaroon ng kaugnayan na habang nagkakaedad ang mga empleyado at tumatagal na sa serbisyo ay nagiging mas humuhusay sila sa paggamit ng mga eupemismo sa kliyente, kaibigan o kakilala at katarabaho. Ang naging interbensyon ng pananaliksik ay ang polyeto na siyang magagamit upang mapahusay ang ng empleyado ang paggamit ng eupemismo Keywords: eupemismo, empleyado, panlipunan, pampersonal, pampropesyonal