ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Sa pag-aaral ng wika at gramatika, mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga tuntuning pangwika sa pagsulat ng sanaysay upang magkaroon ng tama, maayos at manilaw na sulatin. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga pagkakamali sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral, maikategorya, maitama at makabuo ng mungkahing Learning Activity Sheets (LAS) na magagamit sa pagkatuto ng gramatika sa pagsulat. Gumamit ng mixed-method upang masuri ang pagkakamali at makuha ang bahagdan nito na naging batayan sa pagbuo ng LAS. Gumamit ng simple-random sampling mula sa ikasampung baitang ng Ramon Magsaysay High School at Claro M. Recto High gamit ang raosoft application upang makuha ang sampol ng populasyon na 306. Nagkaroon ng 120 na pagkakamali ang nakita sa mga sulatin ng mag-aaral. Lumabas na nagkakamali sila sa pagsulat ng sanaysay sa ispeling, gramatika, adisyon, omisyon, ayos ng mga salita sa pangungusap at maling paggamit ng salita. Maling paggamit ng salita ang naging pinakamalaking pagkakamali na may 28 o 24.80%. Sinundan ng pagkakamali sa gramatika na may 24 o 21.30%, at ang pangatlo sa pinakamalaking bahagdan ng pagkakamali ay sa Ispeling na may 21 na pagkakamali o 18.60%. Ang resultang ito ng pag-aaral ay nagpapakita na dapat pang pagtuunan ng guro ang pagtuturo ng pundasyon sa pagsulat lalong-lalo na ang ispeling, gramatika, at paggamit ng mga salita sa pangungusap. Iminungkahi na magkaroon ng pagtuturo ang guro sa tamang paggamit ng ispeling at gramatika, gayundin ang tamang paggamit ng mga salita sa pangungusap. Inirekomenda ng pag-aaral na gamitin ang nalikhang LAS upang mapataas ang kasanayang gramatikal ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika sa pagsulat ng sanaysay. Keywords: Error Analysis, Sanaysay, Learning Activity Sheets, Gramatika, Pagsulat