ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay masuri ang antas sa kasanayan ng mga respondete sa makrong pasulat gamit ang wikang Filipino ng mga mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa Zamboanga del Norte National High School, Main Campus sa Taong Punuruan 2024–2025. Ginamit ang kwantitatibong pamamaran sa pananaliksik sa tulong ng surbey-kwestyuner upang makakuha ng sapat na impomasyon na kinakailangan sa pananaliksik na ito. Ginamit ang percentage computation, weighted mean at Computed U Value upang masukat at mabigyang-interpretasyon ang mga datos na nalikom. Batay sa nalikom na mga datos, napatunayan na ang mga respondente ay di gaanong sanay sa mekanismo sa pagsulat gamit ang wikang Filipino. Patunay lamang na ang mga respondente ay lubos na nangangailangan ng mga gabay mula sa mga guro na mapaangat ang kanilang pagkatuto upang ganap na mapaunlad ang kanilang sariling kakayahan. Ang mga natuklasan ay dala na rin sa resulta ng pandemya na kawalan ng personal na ugnayan ng mga guro at mag-aaral sa paglinang ng kasanayan at tanging sa modyul lamang na pamamaraan ang tanging paraan sap ag-aaral. Inirerekomenda na ang Kagawaran ng Edukasyon ay maglunsad ng panibagong pagtingin sa kanilang Kurikulum na Gabay upang mapaigting ang kalidad na edukasyon. Padaluhin ang mga guro sa iba’t ibang pagsasanay na nakaangkla sa bagong normal na pamamaraan upang maayos na maturuan ang mga mag-aaral lalo na sa usaping pangwika, gramatika at iba pang disiplina sa wikang Filipino. Susing Salita:Antas sa Kasanayan,Pagkatuto, Makrong Pagsulat, Wikang Filipino