SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Ang Talumpati Bilang Lunsaran sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

JENNEFER E. VALENZUELA HANNAH MAE A. TALAVER GEMMA S. OROSCA



ABSTRAK

—— Layunin sa pag-aaral na ito na masuri ang talumpati bilang lunsaran sa pagtuturo ng wika at panitikan. Gamit ang kwalitatibong pagsisiyasat napalutang ang hanagarin ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng talumpati na ginamit ng dating Pangulong Benigno Aquino III mula 2022-2023 na mga mensahe. Ginamit sa pagsusuri ang structural Functionalism upang matukoy ang konseptong napapaloob. Nilalayon nitong maikita ang imahe ng lipunan at tahanan sa bawat kapanahunan kung saan maging gabay sapagtuturo ng pinagsanib na wika at panitikan. Maiangat ang antas ng pagsusuri gamit ang akdang pampanitikan na Talumpati. Magamit ito hindi lamang sa pangkaraniwang usapan, bagkus maging pundasyon ito sa paglinang ng karunungan sa sistemang pang-edukasyon at higit sa lahat maging kapaki -pakinabang sa tahanan at lipunang ginagalawan. Ang mahalaga ay magamit ang talumpati bilang midyum sa paglinang ng kasanayan sa anumang usapin, komunikasyon at transaksyon maging legal at sa pang – edukasyong talakayan. Pinaniniwalaan sa pag – aaral na ito na lubhang kailangan ang isang pagsususri ng talumpati bilang tugon sa anumang kamangmangan o pag – aalinlangan ng mga mamamayang Plipino upang ganap na maunawaan at mababakas ang tunay na mithiin ng pamahalaan. Ang pananaliksik tungkol sa paggamit ng talumpati bilang lunsaran ay sadyang makabuluhan sa larang ng wika at panitikan. Gayundin, bilang pangangalaga sa karapatang pantao na ang tunguhin ay maipabatid at maipaunawa sa lahat ng mga nasaskupan ang anumang usaping panlipunan nang ang lahat ay kabilang sa isang pamayanan. Susing Salita: Lunsaran sa Pagtuturo, Panitikan, Talumapti, Wika