ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay-liwanag sa mga karanasan at hamon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga kursong teknikal sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Samal. Gamit ang penomenolohikal na pamamaraan, isinuri ang mga kuwento at karanasan ng mga guro na nagtuturo sa mga kursong may major na Filipino sa ika-11 at 12 na baitang. Inilahad ng mga kalahok na guro ang mga suliranin tulad ng kakulangan sa kagamitan at hindi sapat na kaalaman sa mga teknikal na termino. Sa kabila ng mga hamon, ipinasikat nila ang mga positibong karanasan, tulad ng matagumpay na pagtuturo sa kabila ng limitadong mga resources, at ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagtuturo. Ayon sa mga guro, isang malaking bahagi ng tagumpay sa pagtuturo ng Filipino sa mga teknikal na kurso ay ang patuloy na propesyunal na pag-unlad. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagsasanay at pag-aaral ng makabagong estratehiya at teknolohiya upang mapabuti ang kalidad ng pagtuturo. Ipinapanukala ng pananaliksik ang pangangailangan ng regular na pagrerepaso ng kurikulum upang matugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral. Mahalaga ring magpatuloy ang pagpapalawak ng pagsasanay, na hindi lamang nakatuon sa mga tradisyonal na paraan ng pagtuturo kundi pati na rin sa mga kasanayan sa pagsasalin ng teknikal na ideya at paggamit ng modernong teknolohiya upang maging mas epektibo sa pagtuturo ng Filipino sa mga kursong teknikal. Keywords — Filipino, teknikal na kurso, penomenolohikal na pamamaraan, kurikulum, teknolohiya, propesyunal na pag-unlad, interdisiplinaryong kolaborasyon