SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pagtuklas sa Saloobin at Alinlangan sa Pagsulat: Isang Kritikal na Pag-aaral sa mga Estratehiya ng Pagtuturo

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DIOVERLYN F. POTOT



ABSTRACT

—— Pangunahing layunin ng pag-aaral ang matukoy at masuri ang ugnayan sa pagitan ng saloobin at alinlangan sa pagsulat ng mga 130 mag-aaral mula sa Padada National High School, Division of Davao del Sur. Gumamit ang mananaliksik ng eksploratoryong sequential mixedmethod design kung saan isinaalang-alang ang kwantitatibo at kwalitatibong datos. Isinagawa ang survey upang matukoy ang antas ng saloobin at alinlangan sa pagsusulat, samantalang ginamit ang masinsinang panayam upang tuklasin ang mga karanasan ng mga mag-aaral. Mula sa pagsusuri, lumitaw ang ilan sa mga sumusunod na temang kwalitatibo: Emosyonal na Karanasan sa Pagsulat: Masaya ngunit May Halong Pangamba, Takot sa Puna, Kritisismo, at Pagkakamali sa Pagsusulat at Kakulangan sa Tiwala sa Sarili Bilang Pangunahing Ugat ng Alinlangan. Sa kwantitatibong bahagi, lumabas na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng saloobin sa pagsusulat at antas ng alinlangan. Partikular na natukoy na ang salik personalidad tulad ng tiwala sa sarili at motibasyon ay may pinakamalakas na prediktor sa alinlangan sa pagsusulat. Sa kabuuan, napatunayan na ang saloobin ng mga mag-aaral ay may mahalagang papel sa paghubog ng kanilang karanasan sa pagsusulat. Iminumungkahi ng pag-aaral ang pagpapalakas ng pedagogical strategies upang matugunan ang alinlangan ng mga mag-aaral sa pagsulat Keywords — Saloobin sa pagsulat, alinlangan sa pagsulat, exploratorysequential mixed-method