ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Nilalayon ng pag-aaral na ito na galugarin at pagnilayan ang mga karanasan ng mga gurong di-major sa Filipino sa pagtuturo ng pagsasalin ng mga teknikal na terminolohiya sa Filipino sa mga Piling Larang. Gamit ang kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik, isinagawa ang mga panayam at tanong sa pagpapalalim upang makakalap ng makabuluhang datos mula sa mga gurong nagtuturo ng Filipino sa antas senior high school sa loob ng dalawa hanggang limang taon. Ang purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok batay sa tiyak na pamantayan. Siyam (9) na guro mula sa mga paaralan sa Sangay ng Hilagang Kotabato, Rehiyon XII ang napiling kalahok. Mula sa pagsusuri ng mga datos, lumitaw ang apat na pangunahing tema: Pedagohikal na hamon, Kakulangan sa kagamitang panturo at suportang institusyonal, Inobatibong teknik at malikhaing balangkas ng aralin, at Adhikain para sa propesyonal na pag-unlad bilang tagapagsalin. Ang mga temang ito ay may malinaw na kaugnayan sa mga umiiral na pananaw sa literatura. Iminumungkahi ng pag-aaral ang patuloy na pagsasanay sa teknikal na pagsasalin, partikular sa larangang agham at teknolohiya, pati na rin ang pagbibigay ng sapat na kagamitang panturo at pagpapalawak ng mga programang pang-propesyonal na pag-unlad para sa mga guro. Keywords — Pagtuturo, pagsasalin, teknikal na terminolohiya, Filipino, piling larang, pedagohiya, propesyonal napag-unlad, kagamitang panturo