SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Mga Hamon sa Pagtuturo ng Batayang Literasi sa mga Mag-aaral na Sama

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DELIA M. FOROSUELO



ABSTRACT

—— Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin at suriin ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng batayang literasi sa mga mag-aaral na Sama, isang grupong katutubo sa Pilipinas na may natatanging wika, kultura, at paniniwala. Sa konteksto ng patuloy na pagsusulong ng edukasyong inklusibo at multikultural, naging mahalaga ang pag-unawa sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral na kabilang sa mga komunidad na nasa laylayan ng lipunan. Layunin ng pananaliksik na ito na maitala ang mga lived experiences ng mga gurong nagtuturo sa mga batang Sama, partikular na sa larangan ng pagbasa, pagsulat, at pagunawa, mga pangunahing kasanayan sa batayang literasi. Isinagawa ang pananaliksik gamit ang kwalitatibong disenyo, partikular ang phenomenological na lapit upang mailahad ang malalim na karanasan, pakikibaka, at diskurso ng mga kalahok. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng semi-istrakturang panayam sa piling mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa mga komunidad ng Sama. Ang pagsusuri ng datos ay isinagawa gamit ang thematic analysis upang matukoy ang mga umuusbong na tema kaugnay ng mga hamon sa kakulangan ng kagamitan, hadlang sa wika, kaakibat na panlipunang isyu, at limitadong pagsasanay sa pagtuturo para sa mga katutubo. Keywords — Batayang literasi, mag-aaral na Sama,eEdukasyong multikultural, pedagohiyang interkultural, guro sa laylayan