ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin at pagnilayan ang mga karanasan, paano napagtagumpayan ang mga hamon, at kuro-kuro ng mga guro sa pagtuturo ng pagsulat sa Filipino sa mga mag-aaral na Blaan sa piling mataas na paaralan ng Sangay ng Davao del Sur. Sa pamaraang purposive sampling, napili ang sampung kahahok na sumalang sa pinalalim na panayam upang bigyan ng tugon ang mga tanong sa pananaliksik. Sa pamamagitan ng disenyong penomenolohiya natuklasan na ang pangunahing karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng pagsulat sa Filipino sa mga mag-aaral na Blaan ay ang nahaharap sa mga hirap at balakid ng pagtuturo ng wika, nabigyang pagkakataong matutuhan ang isang wikang katutubo, nagbibigay ng mga pagsasanay sa elemento ng wika, at nakapagtatamo ng kaluguran dahil sa mga batang tinuturuan. Napagtagumpayan nila ang mga pangunahing hamon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasalin mula sa wikang Filipino tungo sa wikang Blaan, pagtuturo ng mga teknikal na kaalaman sa pagsulat, at pag-aaral sa unang wika ng mga mag-aaral. Nais na ipabatid ng pag-aaral na kailangan ng pagpapayaman sa pedagohiya ng wika, paglinang ng diksyunaryo ng wikang Blaan at iba pang kagamitan, pag-aralan ang kultura at tradisyon ng mga Blaan, at pagbibigay ng mga pagsasanay sa pagsulat sa wikang Filipino at wikang Blaan. Mga Susing Salita — Filipino, Kuwalitatibo, mag-aaral na Blaan, Pagsulat, Penomenolohiya, Sangay ng Davao del Sur