ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kakayahan ng mga guro sa pagtatayang pang-klasrum sa asignaturang Filipino bilang batayan sa pagbuo at balidasyon ng mga kagamitang pampagtataya. Gumamit ang pananaliksik ng kuwantitatibong disenyo, partikular ang descriptive-comparative na pamamaraan. Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay mga guro ng Filipino mula sa mga matataas na paaralan ng Matanao, Hagonoy, at Molopolo sa Davao del Sur, Taong Panuruan 2024–2025. Ipinakita ng resulta na karamihan sa mga kalahok ay mga babaeng guro na may anim hanggang sampung taon ng karanasan sa pagtuturo. Lumitaw na ang antas ng kanilang kakayahan sa iba’t ibang anyo ng pagtataya: obhektibo, mapanuring pag-iisip, batay sa pagganap, at apektibo ay nasa katamtaman hanggang mataas. Natukoy rin na walang makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan sa pagtataya batay sa kasarian, subalit may makabuluhang pagkakaiba batay sa bilang ng taon ng karanasan sa pagtuturo. Ang mga natuklasan ay ginamit bilang batayan sa pagbuo ng apat na pantayang pagsusulit sa Filipino mula Baitang 7 hanggang 10 na nakabatay sa mga kasanayang pampagkatuto at pamantayan sa pagtatayang makabuluhan at sistematiko. Isinailalim ang mga ito sa masusing content validation ng mga eksperto. Inirerekomenda ng pag-aaral ang patuloy na paglinang sa kasanayan ng mga guro sa pagtataya, gayundin ang lokal na paggamit at adaptasyon ng mga pantayang kagamitan sa iba’t ibang konteksto ng pagtuturo ng Filipino sa sekundarya. Keywords — Pagtatayang pang-klasrum, kakayahan sa pagtataya, gurong Filipino, pantayang pagsusulit, deskriptib-developmental, Filipino sa sekundarya