ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng kagamitang panteknolohiya at pagtuturo ng panitikang Filipino ng mga piling guro sa Sangay ng Davao del Norte, Panuruan 2024-2025. Ginamit ang deskriptibo-korelasyonal na disenyosa 58 guro na pinili gamit ang random sampling upang masuri ang antas ng paggamit ng teknolohiya at ang kaugnayan nito sa apat na makrong kasanayan. Nagsagawa ng sarbey gamit ang balidong instrumento at isinagawa ang pangangalap ng datos na may pagsasaalang-alang sa mga etikal na alituntunin. Ginamit sa pagsusuri ng mga datos ang mean, Person’s r, at multiple regression. Ipinakita ng resulta na ang paggamit ng kagamitang panteknolohiya ng mga guro ay nasa napakataas na antas, gayundin ang kanilang pagtuturo sa panitikang Filipino. Lumitaw sa pagsusuri na may positibong ugnayan sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya at kalidad ng pagtuturo. Bukod dito, natukoy rin na may mga partikular na kagamitang may direktang impluwensiya sa pagtuturo, tulad ng kompyuter at lapel, na malaki ang naiambag sa paghahanda ng materyales at pagpapalinaw ng aralin sa klase. Iminumungkahi ng pag-aaral ang patuloy na pagsasanay at suporta sa mga guro upang mas mapalawak ang kanilang kakayahang gamitin ang mga kagamitang panteknolohiya sa mas episyenteng paraan. Keywords — Kagamitang panteknolohiya, Panitikang Filipino, pagtuturo, makrong kasanayan, interaktibong pagkatuto