ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin at suriin ang mga karanasan, pagninilay, at pananaw pedagogikal ng mga guro sa Filipino sa pagtuturo sa konteksto ng multilingguwalismo at pagpapalit-wika. Siyam (9) guro nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Pablo M. Piatos Sr. Integrated School, na kabilang sa Cluster 12 ng Division of Davao City ang naging kalahok sa pananaliksik. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik na phenomenolohiya, na angkop sa layuning pagtuunan ng pansin ang mga personal na karanasan ng mga kalahok. Gumamit ng masinsinang panayam at isinagawa ang tematikong pagsusuri sa mga datos. Mula sa pagsusuri ay lumitaw ang apat na pangunahing tema: (1) Karanasan sa Multilingguwal na Silid-Aralan at Pagpapalit-Wika, (2) Mga Hamon at Pagtatagumpay sa Pagtuturo ng Filipino, (3) Mga Pagninilay sa Papel ng Guro sa Panahon ng Pagbabago, at (4) Mga Mungkahing Interbensyon at Programang Pampag-unlad. Ipinakita sa mga pahayag ng guro na ang pagpapalit-wika ay hindi lamang pansamantalang estratehiya kundi isang sinadyang hakbang upang maging mas inklusibo at nauugnay ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinapakita ng pagaaral na ang mga guro sa Filipino ay aktibong tagapagtaguyod ng inobasyon sa pagtuturo. Keywords — Multilingguwal na silid-aralan, guro sa Filipino, pagpapalit-wika, replektibong pagtuturo, phenomenolohikal na pag-aaral