SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Ang Bisa ng Pagsasadula Bilang Dulog sa Pagtuturo Ng mga Piling Epikong Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

JERRYLOU B. CARBUNA



ABSTRACT

—— Nilalayon ng pananaliksik na ito na matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahusayan ayon sa pre-test mean score sa mga piling epikong Filipino ng mga mag-aaral na nasa mga pangkat eksperimental at pangkat kontrol. Layunin din nitong malaman kung may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahusayan ayon sa post-test mean score sa mga piling epikong Filipino ng mga mag-aaral na nasa eksperimental at pangkat kontrol. Ang pag-aaral ay nakatuon sa pag-alam ng bisa ng pagsasadula bilang dulog sa pagpapaangat ng kahusayan ng mga mag- aaral sa mga piling epikong Filipino ng baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansang Sta. Ana ng Lungsod ng Davao. Taong panuruan 2023-2024. Ginamit ang disenyong non-equivalent pre-test at post-test. Lumabas sa pag-aaral na ang pre-test ay may p-value na 0.533 na kung saan tinanggap ang hipotesis samantala, lumabas din sa pag-aaral na ang post-test ay may p-value na 0.03 na kung saan di- tinangggap ang hipotesis. Ipinakita na epektibo ang dulog na pagsasadula sa pagpapaangat ng kahusayan sa epikong Filipino. Inirerekomenda na mahusay na gamitin ang dulog na pagsasadula sa pagtuturo ng mga piling epikong Filipino. lumahok sa mga pagsasadula na ipinapagawa ng guro upang magkaroon ng kaalaman, matuklasan ang kanilang talento sa pag-aarte at makakuha nang mataas na marka. Keywords — Bisa, pagsasadula, dulog, pagtuturo ng piling epiko