SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Suri At Salin: Pagsusuring Kritikal Sa Mga Piling Sugilanong Binisaya Ni Juan Irles Villagonzalo

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

BELTRAM SABONSOLIN JOHN CAVIN M. SABONSOLIN



ABSTRACT

— Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang labindalawang (12) piling Sugilanong Binisaya ni Juan Irles Villagonzalo upang maunawaan ang mga paksang tumatalakay sa paksa at tema, simbolismong ginamit, at kulturang itinatampok sa bawat kuwento. Nakaangkla ang pagsusuri sa teoryang Pormalistiko na nagbibigay-diin sa mismong teksto bilang hiwalay sa mayakda, kasaysayan, at implikasyong panlipunan. Sa pamamagitan ng content analysis, inalam kung paano nakabuo ng natatanging diwa at pag-unawa ang mga sugilanon hinggil sa iba’t ibang karanasan ng mga tauhan—lalo na ang magkapatid na sina Lucas at Marcos—na inilalahad sa konteksto ng pag-ibig, paghihirap, kawalang-katarungan, at pakikibaka. Kaugnay nito, tinukoy rin ang kulturang masasalamin sa mga akda, katulad ng pagtanaw ng utang na loob, pagmamalasakit, at mapagkumbabang pag-uugali, pati na ang negatibong ugali tulad ng pang-aabuso at crab mentality. Iminumungkahi ng resulta na mayaman at malalim ang pagpapahalaga ng mga Sugilanong Binisaya sa identidad at pagkatao ng mga Pilipino, na maaaring gamiting batayan sa pagbuo ng isang pinagyamang silabus para sa pagtuturo ng lokal at rehiyonal na panitikan. Sa ganitong paraan, mas mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang katutubong wika at kultura, kasabay ng pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa masusing pagsusuri at kritikal na pag-unawa sa mga akdang pampanitikan. Keywords — Sugilanon’g Binisaya, paksa, tema, simbolismo at kultura, pinagyamang silabus, J Villagonzalo