SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Pagbuo at Balidasyon ng Interaktibong Pagtataya sa Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

THERESA M. OJAO ANNIE Y. SAMARCA, Ph.D



ABSTRACT

— Layunin ng pag-aaral na ito na bumuo at magbalido ng isang interaktibong kagamitang pagtataya para sa asignaturang Filipino na angkop sa mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang sa mga pampublikong paaralan sa Distrito ng Tago, Surigao del Sur. Tugon ito sa mga hamon ng tradisyunal na pagtataya gaya ng mababang pakikilahok ng mag-aaral, mabagal na pagbibigay ng fedbak, at kakulangan sa pagsuporta sa iba’t ibang estilo ng pagkatuto. Gumamit ang pananaliksik ng mixed-method design na pinagsamang deskriptibong kwantitatibo at kwalitatibong pagsusuri na sinamahan ng developmental research design. Isinagawa ang pagsusuri sa bisa at pagiging maaasahan ng tool sa pamamagitan ng estadistikang pagsusuri at tematik na analisis. Lumahok sa pag-aaral ang 248 mag-aaral at 7 guro mula sa anim na pampublikong paaralan. Lumabas sa resulta na ang interaktibong pagtataya ay may mataas na antas ng baliditi at reliabiliti sa mga aspekto ng nilalaman, disenyo, gamit, at interaktibidad. Napag-alamang ito ay madaling gamitin sa iba’t ibang uri ng device at gumagana kahit sa mabagal na internet. Napahusay nito ang karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng multimedia at agarang fedbak. Batay sa Spearman’s correlation (ρ = 0.6557, p < 0.0001), may positibong ugnayan ang baliditi at reliabiliti ng kagamitan. Lumabas sa thematic analysis na positibo ang karanasan ng mga guro at mag-aaral, lalo na sa aspeto ng kasiyahan, pagkatuto, at kadalian ng paggamit. Ang nabuong interaktibong kagamitang pagtataya ay napatunayang balido, maaasahan, at epektibong kasangkapan sa pagtuturo ng Filipino. Inirerekomenda ang integrasyon nito sa klase upang mapataas ang partisipasyon ng mag-aaral, suportahan ang inklusibong edukasyon, at mapabuti ang kalidad ng pormatibong pagtataya. Keywords — Interaktibong Pagtataya, Edukasyong Filipino, Balidasyon, Kagamitang Digital sa Pagtuturo, TPACK, SAMR Model, Mga Paaralang Rural