ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
— Ang pag-aaral na ito ay naglalayon tukuyin at suriin ang antas ng kaalaman, kahandaan, antas ng integrasyon at makabuluhang pagkakaiba at ugnayan ng mga salik sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pagtuturo at pagkatuto sa Filipino. Pinagbatayan nito ang mga teoryang Technology Acceptance Mode (TAM), Technological Pedagogical Content Knowledge (TPACK), Socio-technical system theory. Gumamit ng pamamaraang convergent parallel, kung saan sabay na kinolekta ang kwantitatibo at kwalitatibong mga datos mula sa mga respondenteng guro na nagtuturo ng Filipino at mga mag-aaral sa Senior High School. Snowball purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok at Purposive sampling mula sa mga piling paraalan ng San Miguel, Surigao del Sur partikular sa unang distrito, ginamit ang talatanungang dumaan sa balidasyon ng mga eksperto, at masusing sinuri ang kwalitatibong bahagi ng pag-aaral gamit ang thematic analysis. Natuklasan sa pag-aaral, mas pinakagamit na AI aplikasyon ng mga guro’t mag-aaral ang ChatGPT, Grok, Cici at Meta AI, mas marami rin ang gumagamit sa baiting 11 kumpara sa baiting 12, pinipili nila ang mga AI na madaling ma-akses at ilang mga apps na naka-integrate na sa social media. Katamtamang-taas rin ang kaalaman na may mean na 30.80 at 3.81 sa aspetong, e-humanize and fedbak ng AI at alam nila paano gamitin ang AI upang mapabuti ang pagsulat sa Filipino at sa kahandaan may mean na 3.60 at 3.74 ng mga guro sa aspetong handang lumahok sa pagsasanay at workshop at mga mag-aaral sa pagsusulat, pagsusuri ng teksto at iba pang bahagi ng gawain sa Filipino gamit ang AI. Sa antas integrasyon ng AI na may mean na 4.24 at 3.82 na nakatutulong sa pagtatasa maging sa mahihirap na bahagi ng gramatika at pagsusuri ng teksto sa pagtuturo at pagkatuto. Natuklasan din sa pagsusuri may kabuluhang ugnayan ang kalaaman, handaan at integrasyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto gamit ang AI, nagpapahiwatig ito na handa ang mga mag-aaral sa mas aktibong pagkatuto na nangangailangan din ng mataas na kasanayan ng mga guro sa paggamit ng AI upang epektibo ang pagtuturo sa Filipino. Sa pagsusuri ng teknikal na hamon ipinapahiwatig na hindi maaasahan ang AI, limitado ang kaalaman, may problema sa internyet, pagbuo ng angkop na prompts. Ang oportunidad nito ay nagpapabuti ng kalidad ng gawa, balanse at etikal na paggamit ng AI, nagpapabuti sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay, tula, pananaliksik at iba pang sulatin. Inirerekomenda ng pag-aaral na maaaring magsasagawa ang sistema ng isang polisiya o panuntunan kung papaano wastong ilapat at manipulahin ang AI na aangkop sa sistema ng edukasyon. Maaari ring gamitin bilang panimulang interbensyon ang panukalang polisiya ng isang unibersidad sa Pilipinas, Siliman University (2025). Sunod nito, nabuong Modelong Banghay- Aralin na makakatulong sa intergrasyon ng AI sa pagtuturo at pagkatuto sa Filipino, kagaya ng pananaliksik at iba pang sulating pang-akademik upang magkaroon ng maayos at responsableng paggamit ng AI sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa edukasyon. Keywords — Integrasyon, artificial intelligence, pagtuturo, pagkatuto, kaalaman, kahandaan, hamon, oportunidad