SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagkatuto ng Mag-Aaral ng Inhinyerya

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

BRYAN WACNAG JESSA VOLFANGO DOMINGA S. TOMAS



ABSTRACT

— Ang pag-aaral ay nakatuon sa paggamit ng Wikang Filipino sa pagkatuto ng mag-aaral sa Inhinyerya. Inalam ng mga mananaliksik ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga asignatura ng Inhinyerya at ang gamit ng wikang Filipino ayon sa mga mag-aaral. Ginamit dito ang pinaghalong kuwalitatibo at kuwantitatibong paraan at disenyong deskriptibo. Ang mga respondente ng pag-aaral ay nagmula sa una hanggang ikalawang taon ng kursong Inhinyerya sa Pampamahalaang Pamantasan ng Benguet. Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan bilang instrumento sa paglikom ng mga datos. Sa paraan ng paglikom ng datos naman ay humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa Dekano ng Kolehiyo ng Inhinyerya at sa mga respondente ng pag-aaral. Sa pagtrato ng datos, gumamit ang mga mananaliksik ng apat na puntusang eskala, koding at tematisasyon. Batay sa lumabas na resulta ng pag-aaral, natuklasang tinatanggap ng mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag ng mga aralin, pagpapaliwanag ng mga katawagang teknikal, pagsulat ng mga manwal/hand out, at pagpapaliwanag ng paksang mahirap maintindihan. Ayon sa mga mag-aaralm, ang wikang Filipino ay magagamit sa pormal na komunikasyon, pagtalakay ng aralin, pagpapaliwanag ng mga malalalim na salita/pagsasalin at pagsulat ng pormal na dokumento. Batay sa isinagawang pagsusuri sa mga datos ng pag-aaral, nabuo ang sumusunod na kongklusyon: tinatanggap ng mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino bilang panturo sa mga asignatura ng Inhinyerya; at maaaring gamitin ang wikang Filipino sa pormal na komunikasyon, pagtalakay sa mga aralin, pagpapaliwanag ng mga malalalim na salita/pagsasalin at pagsulat ng pormal na dokumento. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang sumusunod na rekomendasyon: gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga asignatura ng kursong Inhinyerya; higit na paigtingin ang paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag ng mga aralin, pagpapaliwanag ng katawagang teknikal at ng paksang mahirap maintindihan at sa pagsulat ng manwal o hand out. Subukin ding gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo sa iba pang mga disiplina. Mga Susing Salita — Filipino, wikang panturo, inhenyerya