ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
— Ang pag-aaral na ito ay sinuri ang pagkamabisaan ng mga estratehiya sa pagbasa ng malakas at pagunawa sa teksto sa pagganap sa literasiya ng mga mag-aaral sa Baitang 4-5 ng Tugbong Central School sa Dibisyon ng Leyte. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagsilbing batayan para sa isang Plano ng Pagpapabuti. Ang quasi-experimental research design ay isang angkop na metodolohiya para sa pag-aaral na “Pagkamabisaan ng Mga Estratehiya sa Pagbasa ng Malakas at Pag-unawa sa Teksto sa Pagganap sa Literasiya ng mga Mag-aaral sa Baitang 4-5.” Sa ganitong disenyo, ang mga mananaliksik ay pumili ng mga grupo ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang klase o seksyon, kung saan ginamit bilang eksperimento (mga mag-aaral na isinailalim sa mga estratehiya sa pagbasa ng malakas). Sa pamamagitan ng pretest at post-test, nasukat ang pag-unlad ng kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral, na nagbigay-daan sa mga mananaliksik upang suriin ang epekto ng mga estratehiya sa kanilang literasiya. Ang Talahanayan ay nagpapakita ng pagsusuri ng kaibahan ng mga marka sa pre-test at post-test sa mga mag-aaral sa Baitang 4-5 sa asignaturang Filipino. Ayon sa talahanayan, ang computed t-value ay mas mataas kaysa sa critical t-value kaya ang null hypothesis (Ho) ay tinanggihan. Ang pinal na interpretasyon ng resulta ay nagpapakita ng isang makabuluhang kaibahan sa mga marka ng pre-test at post-test, na nagsasaad na may positibong epekto ang estratehiya sa pagbasa ng malakas at pag-unawa sa teksto sa pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Filipino. Sa pagsusuri ng resulta, malinaw na ang mga mag-aaral ay nakaranas ng makabuluhang pagpapabuti sa kanilang mga kasanayan sa pagbasa sa Filipino pagkatapos ng interbensyon. Ang mga resulta ng post-test ay nagpapakita ng mataas na marka, mula sa pre-test na umaabot sa post-test, na isang malaking hakbang sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan. Ang computed t-value ay malayo sa critical t-value, na nagpapakita ng malaking pagkakaiba ng mga resulta ng dalawang pagsusulit, na nagbibigay ng ebidensya sa bisa ng mga interaktibong laro sa pag-enhance ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mga resulta sa Talahanayan 3 ay nagpapahiwatig na ang paggamit ng mga estratehiya sa pagbasa ng malakas at pag-unawa sa teksto ay may makabuluhang epekto sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang malaking kaibahan sa pre-test at post-test scores ay nagpapatunay na ang mga mag-aaral na sumailalim sa interbensyon ay nakakaranas ng mas mataas na antas ng kasanayan sa pagbasa. Kaya, ang mga mag-aaral na unang nagpakita ng katamtamang antas ng kasanayan sa pagbasa ay naging mas bihasa at epektibo sa pag-unawa ng mga teksto at sa kanilang mga kasanayan sa pagbasa sa Filipino pagkatapos ng interbensyon. Keywords — Pagkamabisaan Estratihiya Pagganap sa Literasiya Baitang 4-5