SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Kahirapan ng mga Mag-aaral sa Pagkilala at Pag-unawa sa mga Nakalimbag na Simbolo: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagkatuto

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

DOMINGA S. TOMAS MARY ANN A. SANTOS



ABSTRAK

—— Ang pag-aaral na ito ay nakapokussa pag-unawa ng mga mag-aaralsa pagbasa. Layunin nitong matukoy ang mga kahinaan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa; mga salik na nakaaapekto sa kahinaan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa; at makabuo ng isang disenyo ng mga gawain sa remediation o mga kagamitangmakatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahan ngmgamag-aaralsa pagbasa. Ang pag-aaral ay gumamit ng kuwalitatibong pagdulog at desinyong palarawan. Ang mga kalahok sa pag- aaral ay ang mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang sa Atok National High School. Ang mga datos na nakuha ay dumaan sa transkripsiyon at pagkakategorya. Ito ay idinaan sa koding at tematisasyon na naging batayan ng pagtalakay. Ang kinalabasan ng pag-aaral ang nagging batayan din sa pagbuo ng kagamitang pampagkatuto. Batay sa isinagawang pagsusuri sa mga datos, lumabas na ang mga kahinaan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay ang pag-unawa sa mga salita, pagbigkas sa mga salita, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto. Natuklasan ding ang mga dahilan ng kahirapan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral ay ang limitadong bokabularyo, kakulangan ng kasanayan sa pagbasa, pormat ng akda, kawalan ng interes sa pagbasa at kawalan sa kumpiyansa sa sarili. Batay sa mga natuklasan, masasabing ang pamilyaridad ng mga mag-aaral sa tekstong binabasa kasali na ang mga salitang ginamit ay nakaaapekto sap ag-unawa sa pagbasa. Iminumungkahi kung ganoon na linangin at bigyang pansin ng mga guro ang nilalaman ng tekstong kanilang ituturo upang mapaunlad ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral at pumili ng angkop na estratehiya sa pagtuturo angmga guro upangmaging kawiliwilisamgamag-aaral ang gawaing pagbasa.