SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Estado ng mga Mag-aaral sa Komprehensiyon sa Pagbasa sa Asignaturang Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

MERRY FE B. TUBIL ARNEL T. MISUARI



ABSTRAK

—— Ang pag–aaraal na ito ay may layuning masuri at matukoy ang estado ng mga magaaral sa komprehensiyon sa pagbasa sa Asignaturang Filipino. Isinagawa ang pag-aaral sa mga mag-aaral na nasa Grade 9 ng President Manuel A. Roxas National High School na nasa taong panuruan 2023-2024. Ginamit ang kwantitatibong paglalarawan na desinyo sa pagsusuri ng mga datos na nakalap. Sa pamamagitan ng paglapat ng istadistikang tritment napalutang ang tunguhin ng pag-aaral. Ginamit ang percentage rating at frequency count para matukoy ang demograpikong propayl, average weighted mean value sa pagtukoy ng taglay na kasanayan sa Dimensyon sa Pagbasa. Ang P at H-Value naman ay ginamit para makita ang makabuluhang pagkakaiba sa. Natuklasan sa pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang demograpikong propayl at ang kansanayan ng mga respondente sa Dimensyon ng Pagbasa. Samakatuwid, ang mga respondente sa estado ng kanilang pagbasa ay kakikitaan ng taglay na pag-unawa sa asignaturang Filipino. Mayroon silang angking kakayahan na maunawaan ang akdang binasa. Gayunpaman, iminungkahi sa pag-aaral na mas sanayin pa ang sarili sa pagbabasang may pag-unawa upang maging handa sa kanilang asignatura sa laranagan ng pagtamo ng kanilang akademiya. Susing Salita — Asignaturang Filipino, Estado, Komprehensiyon, Pagbasa