ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Layunin nito na malaman ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral batay sa salitang pangnilalaman, salitang pangkayarian, gayundin ang kadalasang kamaliang panggramatika sa pagsulat ng komposisyon. Makabuo ng isang interbensyon para sa paglinang ng gramatika. Gayundin, malaman ang antas ng ebalwasyon ng mga eksperto sa nabuong interbensyon batay sa layunin, nilalaman, pagsasanay, at pagpapayamang gawain. Ginamit sa pag-aaral na ito ang pinagsamang kuwalitatibo at kuwantitatibo o palarawang disenyo o pagdulog at deskriptibo. Sinuri ang mga nakalap na datos gamit ang conventional at summative content analysis. Natuklasan mataas ang antas ng kakayahang panggramatika sa salitang pangnilalaman at pangkayarian. Natuklasan ding mayroong limang (5) kadalasang kamaliang panggramatika ang mga mag-aaral na nasa ikalawang taon hanggang ikaapat na taon sa pagsulat ng sanaysay at ito ay ang mga sumusunod: paggamit ng malaki at maliit na titik, gamit ng “nang” at “ng”, gamit ng gitling at pag-uulit, at pagbabaybay ng mga salita. Bilang awput ng pag-aaral, ang mananaliksik ay nakabuo ng isang worktext sa gramatikang Filipino. Ang nabuong worktext ay nakakuha ng napakataas na antas ng balidasyon. Ito ay nangangahulugang labis na katanggap-tanggap sa mga balideytor ang nabuong worktext. Batay sa resulta ng pag-aaral ay nabuo naman ang mga sumusunod na kongklusyon: ang mga magaaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ay mahusay sa bahagi ng pananalita ngunit kailangan pang malinang; kailangan pang malinang sa mga mag-aaral ang pagbabantas, wastong gamit ng salita, at mga gamit ng malaki at maliit na titik, at makatutulong ang worktext sa pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Mula sa nabuong kongklusyon, iminumungkahi ng mananaliksik na: magbigay pa ang mga guro ng mga karagdagang pagsasanay ng mga salitang pangnilalaman at pangkayarian; bigyang pansin ang mga kahinaang panggramatika sa pagsulat ng mga mag-aaral, ganyakin at hikayatin pa ang mga guro upang bumuo at gumawa ng worktext na ipagagamit sa mga mag-aaral nang sa gayon ay matulungang mapaunlad ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Susing salita: Kakayahang panggramatika, pagsusuri, dalubhasa, worktext, Filipino