SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Mga Gawi at Hamon sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa Ifugao, Philippines

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

ALMA C. BINWAG



ABSTRAK

—— Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay dapat linangin at payabungin. Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga gawi at hamon na nararanasan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Ifugao. May tatlumpu’t siyam na guro ang tagatugon sa pag-aaral. Ginamit ang t-test, One-Way ANOVA at Pearson R para sa istatistikal tritment. Lumabas sa pag- aaral na marami ang mga babae na kansangkot sa pag-aaral, marami ang may-edad na tatlumpu hanggang apatnapu, walo hanggang labintatlo ang taon sa pagtuturo na may mga yunit sa master digri. Bukod pa rito, lumabas sa pag-aaral na palaging ginagawa ng mga tagatugon ang mga pahayag na may kinalaman sa mga gawi/ginagawa sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at napakalubha ang mga hamon/suliranin na nararanasan ng mga guro na nagtuturo sa Filipino. Para malampasan ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa Filipino, mangyaring magkaroon ng mga serye ng pagsasanay para sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Mga susing salita: Gawi, Hamon, Pagtuturo, Asignaturang Filipino