ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na makakolekta at makasuri ng mga oral na panitikan ng mga Tboli sa lente ng ekokritisismo. Tinangkang sagutin ang suliranin na (1) Ano-ano ang mga isyung pangkalikasan na masasalamin sa mga oral na panitikan? Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik, ang kombinasyon ng pamaraang palarawan o deskriptibo at pamaraang indehinus o pangkatutubo. Sinuri ang mga nakalap na oral na panitikan sa pamamagitan ng palarawan/deskriptibong pagsusuri, partikular ang pamaraang kontent analisis. Ang mga orihinal na datos na nalikom ay kinuha mula sa mga katutubong Tboli ng Lemsnolon, South Cotabato. Ang nalikom na mga oral na panitikan ay isinatitik at isinalin sa Wikang Filipino ng Tboli na maalam sa wika at kultura ng kanyang pangkat na kinabibilangan. Isa-isang sinuri ang mga oral na panitikan. Pagkatapos nito ay sumailalim sa balidasyon upang makatiyak sa kawastuhan ng pagsusuring isinagawa. Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral, napatunayan ng mananaliksik na masasalamin sa mga oral na panitikan ng Tboli ang mga pangunahing isyung pangkalikasan katulad ng pang-aabuso at pagpapabaya sa kalikasan, kawalan ng katarungan at pagkagahaman sa kayamanan. Mga Susing Salita: Ekokritisismo,Isyung Pangkalikasan,Oral na Panitikan, Tboli