ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pag-aaral ay nakatuon sa pag-aaral sa kwentong-bayan ng bayan ng Hingyon, Ifugao bilang aklat-sanayan para sa ikalimang baitang ng elementarya .Ginamit sa pag-aaral ang pamaraang Deskriptibong-pagpapaunlad . May sampung piling taal na matatandang Ifugao na may edad 60 pataas ang mga tagatugon. May labinlimang bilang ng mga piling kwentong –bayan na kinalap at isinalin ,una sa TL na Ingles tungo sa pangalawang TL na wikang Filipino para sa madaling pagsasalin.Sa Pagkuha ng mga datos,ginamit ang di-binalangkas na panayam, dinagdag ang pagsasalin sa tulong ng paraang gawa ni Newmark(1988) na nagsilbing gabay sa ginawang pagsasalin,hinati sa dalawang pangkat: una ay ang Simulaing Lengguwahe(Semantiko) na ginamit ng mag-aaral ang Salita – sa – salita ,ito ang “word-for-word translation ayon kay Savory.Ito ang paraang ginagamit ng mga lingguwista para ipakita ang kahulugan ng mga salita at estruktura ng mga wikang tinatalakay.Isa pang ginamit ng mag-aaral ay ang pagsasalin gramatikal na SL (Simulaing Lengguwahe). Pangalawa ay ang Tunguhang Lengguwahe na binigyang-diin din ang komunikatibong salin maliban sa dalawang pamamaraan ay may Tuwirang Pamamaraan (Direct Method).Naisasagawa ang pagpapasuri/pagpapabalido sa ginawang salin sa mga gurong taal na Ifugao na nagtuturo ng Filipino.Sa pamamagitan nito ay mapanatili ang orihinal na tekstong Ifugao ng mga kwentong-bayan. Batay sa datos na naisagawa ,nabuo ang isang aklatsanayan na ginamitan ng mga iba’t ibang kasanayan sa pagbasa para sa mga elementaryang nagaaral ng araling Filipino.Inirerekomenda ang ibayong pag-aaral sa iba pang katutubong kwentong -bayan tungo sa pagkakakilanlan sa unang wika na bahagi ng araling pang-elementarya (MTLB). Keywords: Kwentong-bayan, Aklat-sanayan, Filipino, Pagsasalin