SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Kahandaan at Hamon ng mga Guro sa Pagtuturo Ng Pananaliksik

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

KLONDYKE B. YEBAN LEUDANE L. LOÑEZ



ABSTRACT

——Sa pagsasama ng pananaliksik bilang asignatura sa Senior High School sa ilalim ng K-12 Kurikulum, napansin na maraming guro ang nag-aatubiling hawakan ang asignaturang ito. Kaya, layon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang antas ng kahandaan at hamon na kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang ito, maging ang makabuluhang pagkakaiba nito ayon sa propayl ng mga guro. Kwantitatibong metodo ang ginamit sa pag-aaral na ito na gumamit ng komparatibong disenyo upang matugunan ang layunin ng pag-aaral. Upang makalap ang mga datos na kinakailangan, gumamit ang pag-aaral na ito ng talatanungan na ipinamudmod sa 61 na guro ng Senior High School na nagtuturo ng pananaliksik na mula sa mga paaralang kabilang sa ikalawang Distrito ng Ifugao. Natuklasan sa pag-aaral na may mataas na kahandaan ang mga guro sa pagtuturo ng pananaliksik sa pagbuo ng panimula, pagbuo ng metodolohiya, pagbuo ng interpretasyon, at pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon. Ang kanilang antas ng kahandaan ay walang makabuluhang pagkakaiba ayon sa kanilang nakamit na antas ng edukasyon, bilang ng taon sa pagtuturo ng pananaliksik, at bilang ng dinaluhang seminar. Gayundin, natuklasan na nasa mataas na antas ng hamon ang kinakaharap ng mga guro sa pananaliksik na may kaugnayan sa mapagkukunan, mag-aaral, guro, suporta ng administrasyon, at suporta ng magulang/komunidad. Ang kanilang antas ng hamon na kinakaharap ay walang makabuluhang pagkakaiba batay sa nakamit na antas ng edukasyon, bilang ng taon sa pagtuturo ng pananaliksik, at dinaluhang seminar sa pananaliksik. Mga susing salita: Kahandaan, Hamon, Makabuluhang Pagkakaiba