SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Bisa Ng Artificial Intelligence (AI) Sa Pag-Aaral Ng Mga Mag-Aaral

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

JESSA MAY S. DALDE



ABSTRAK

—— Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang bisa ng Artificial Intelligence sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibong pamamaraan sapagkat ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Batay sa mga natuklasan nabuo ang mga sumusunod na konklusyon nakita ng mananaliksik na ang mga mag-aaral na may edad 19-20 ang nagsasabing nakatutulong sa kanilang pag-aaral ang Artificial Intelligence. Mga kababaihan ang madalas gumagamit nito. Mula sa resulta ng pag-aaral ang Artificial Intelligence ang dahilan kaya gumaganda ang isinusimiting mga takdang aralin ng mga mag-aaral. Gayundin ipinapakita mula sa resulta ng pag-aaral na nagiging masaya ang mga mag-aaral sa paggamit ng Artificial Intelligence dahil dito ito ay nakaaapekto upang tumaas ang kanilang mga marka. Matapos malagom ang lahat nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon inirerekomenda ng mananaliksik na makatutulong para sa lahat ng mag-aaral ang madisiplinang paggamit ng Artificial Intelligence. Dahil dito mapagyayabomg ng mga mag-aaral ang kanilang ginagawang takdang aralin na magbubunga para sa kanila ng pagkakaroon ng mataas na marka. Susing-salita — Artificial Intelligence