ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Pangunahing layunin ng pag –aaral na ito na matukoy ang estado ng mga respondente tungkol sa implementasyon ng modyular modality at nang masuri ang kanilang mga hamon na nararanasan sa iba’t ibang disiplina sa gitna ng bagong normal na kalakaran. Ginamit sa pagsusuri ang kwantitatibong pamamaraan upang mailarawan ang kanilang mga karanasan. Kaakibat sa pagsusuring ito ay ang random sampling upang makuha ang bilang ng mga respondente. Ginamit din ang percentage computation para matukoy ang demograpikong propayl, ang weighted mean para masuri ang kalagayan nila sa modyular na modality at ang chi square para makita ang pagkakaiba sa kanilang demograpikong propayl at ang kanilang estado sa naturang implementasyon. Natuklasan na ang mga respondente at lubos na lagging nararanasan ang mga hamon na kanilang kinakaharap. Bagkus, ito ay mga hamon lamang na kailangan nilang malampasan para sa kanilang mga mag – aaral, Kaya sa abot ng kanilang kakayahan, ginawa nila ang lahat para maipagpatuloy ang pag – aaral ng mga kabataan. Mahigpit na inirekomenda na, paigtingin pa ang pagsasanya ng mga guro na nakaangkla sa bagong normal na pagtuturo na may integrasyon ng multimedia. Susing Salita:Distanace Learning, Ebalwasyon, Modyular na Pag-aaral