ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Isinagawa ang pag-aaral na ito upang suriin ang mga hamong kinahaharap ng mga mag-aaral na Kankanaey sa pagkatuto ng wikang Filipino. Ginamit ang pamamaraang kwalitatibo at deskriptibong disenyo. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mag-aaral na Kankanaey ng Senior High School ng King’s College of the Philippines, nakolekta ang mga datos na nagpapatunay sa patuloy na hamong kinahaharap ng mga mag-aaral na Kankanaey. Ginamit ng mananaliksik ang thematic analysis ni Gioia upang itrato ang mga nakalap na datos. Kaugnay nito, ang kahirapan sa talasalitaan, pagsasalita, pagbabaybay, at pagbigkas ang lumabas na hamong nararanasan ng mga mag-aaral. Dahil sa mga hamong ito, hindi maiwasan ang pagpapalit koda, pagkabahala sa pagsasalita, pakiramdam ng hindi pagkakabilang, at kawalan ng kumpiyansa sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa tuwing kailangang gumamit ng Filipino sa pagsasalita o pakikipag-usap. Bilang tugon sa mga natuklasan, iminumungkahi na sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na Kankanaey, pagtuunan ng pansin ang kasanayan sa pagbikas at pagsulat, bigyan sila ng pagkakataon na magsalita sa kanilang sariling wika atsaka tulungang isalin ang kanilang sinabi sa wikang Filipino, kailangan ding palakasin ang kanilang kumpiyansa sa sarili, panghuli’y gamitin ang inirekomendang intervention program para sa mga mag-aaral na Kankanaey na nahihirapan sa pagkatuto ng wikang Filipino. Mga Susing Salita — mag-aaral na Kankanaey, pagkatuto ng wikang Filipino, mga hamon sa pagkatuto ng wika, kwalitatibong deskriptibong pananaliksik, tematikong pagsusuri, pagkabalisa sa pagsasalita, unang wika bilang midyum ng pagtuturo