SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Kakayahang Pangkomunikasyon Ng Mga Mag-Aaral Sa Ikapitong Baitang Gamit Ang Wikang Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

GRACE M. BAWEG



ABSTRAK

—— Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy at masuri ang mga salik na nakaaapekto sa kakayahang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang gamit ang wikang Filipino, gayundin ang implikasyon nito sa kanilang akademikong pagganap. Gumamit ang mananaliksik ng disenyong palarawan upang makalap ang mga datos mula sa piling mag-aaral ng ikapitong baitang. Lumabas sa resulta na ang pangunahing hadlang sa epektibong paggamit ng wikang Filipino ay ang: (1) mas karaniwang paggamit ng Ingles o Taglish sa tahanan at paaralan; (2) limitadong bokabularyo at kahirapan sa pagbigkas ng ilang salitang Filipino; at (3) mga emosyonal na salik gaya ng kaba, hiya, at takot na magkamali. Samantala, napag-alamang mas mataas ang kumpiyansa ng mga mag-aaral na lumaki o nakatira sa pamilyang pangunahing gumagamit ng Filipino. Bilang tugon sa mga natuklasan, iminungkahi ang pagbuo ng isang workshop sa Komunikasyon sa Filipino na may kasamang interaktibong aktibidad tulad ng roleplay, talakayan, at storytelling, kalakip ang sistematikong pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa tamang pagbigkas. Layunin nitong mapababa ang language anxiety, mapalakas ang emotional confidence, at higit na mapaunlad ang kakayahang pangkomunikasyon ng mga magaaral sa loob at labas ng silid-aralan. Mga Susing Salita — kakayahang pangkomunikasyon, wikang Filipino, salik sa komunikasyon, bokabularyo, kumpiyansa, language anxiety