SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Mga Saloobin, Motibasyon, at Disposisyon sa Pagkatuto ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral na B’laan ng Matanao, Davao del Sur

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

AILYN JOICE S. OLING



ABSTRACT

—— Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga saloobin, motibasyon, at disposisyon sa pagkatuto ng wikang Filipino ng mga mag-aaral na B’laan sa Matanao, Davao del Sur. Saklaw ng pananaliksik na ito ang siyam (9) na mag-aaral ng ika-sampung baitang mula sa Distrito ng Matanao ng DepEd-Davao del Sur. Sa pagsakatuparan ng pag-aaral na ito, ginamit ko ang purposive sampling na paraan sa pagpili ng mga kalahok sapagkat ito ay ang kadalasang ginagamit sa mga pag-aaral na kuwalitatibo. Lumabas sa pag-aaral na ito ang masinsinang paglalarawan ng ugnayan ng kultura at pagkatuto sa konteksto ng mga mag-aaral na B’laan. Ipinakita sa mga tugon ng kalahok na ang matagumpay na pagkatuto ng wikang Filipino ay higit na nagiging makabuluhan kung ito ay nakaugat sa kanilang kultural na karanasan, pinagmulan, at pagkakakilanlan. Kaugnay nito, ipinahihiwatig ng mga resulta na ang inklusibong kapaligiran sa pagkatuto kung saan ang mga mag-aaral ay tinatanggap, pinakikinggan, at kinikilala ay mahalaga sa pagbubuo ng kanilang positibong disposisyon. Nararapat na patuloy silang bigyan ng mga pagkakataon na makapagpahayag ng kanilang saloobin at karanasan sa loob ng klasrum. Sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang tinig at pagkilala sa kanilang pinagmulan, mas lalong mapalalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili at pagnanais na matuto. Keywords — B’laan, saloobin, motibasyon, disposisyon, pagkatuto ng wikang Filipino