SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Paglalakbay sa Pagkatuto ng Filipino sa Programang Alternative Learning System (ALS) ng Matatag Kurikulum: Isang Penomenolohikal na Pagsusuri sa mga karanasan

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

MARGIELEM G. CUIZON



ABSTRACT

—— Layunin ng pananaliksik na ito na ilarawan at unawain ang mga karanasan, hamon, at pananaw ng mga mag-aaral sa programang Alternative Learning System (ALS) kaugnay ng kanilang pagkatuto sa asignaturang Filipino sa ilalim ng Matatag Kurikulum. Gumamit ang mananaliksik ng pamamaraang penomenolohikal upang matukoy ang kahulugan ng kanilang mga karanasan. Sampung (10) ALS learners mula sa Lungsod ng Digos ang naging kalahok. Isinagawa ang panayam gamit ang semi-structured interview at isinailalim sa thematic analysis ang mga datos. Mula sa pagsusuri, lumitaw ang mga temang nagpapakita ng paglalakbay ng mga mag-aaral mula sa personal na pagkilala, pakikibaka sa mga hamon, at paghahanap ng diskarte, patungo sa aktibong pakikilahok, pagkakaroon ng kumpiyansa, at mas malalim na ugnayan sa wika at kultura. Kabilang din sa mga temang ito ang suporta mula sa guro at komunidad, at ang papel ng edukasyon bilang inspirasyon para sa personal na pagbabago. Ipinakita ng resulta na ang ALS learners ay may natatanging karanasan sa pagkatuto na nakaugat sa kanilang mga layunin at koneksyon sa komunidad. Sa kabila ng mga hamon, nananatili silang determinado sa pag-abot ng kanilang pangarap. Maaaring maging batayan ang pag-aaral na ito sa pagbuo ng mas inklusibo at makataong estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa ALS. Keywords — ALS learners, Matatag Kurikulum, Filipino, karanasan sa pagkatuto,edukasyong alternatibo, penomenolohiya