ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
—— Ang pag-aaral na ito ay may layunin na tuklasin at suriin ang mga karanasan, estratehiya, at pananaw ng mga mag-aaral sa pagbasa ng panitikang Filipino. Gumamit ng penomenolohikal na pag-aaral sa sampung mag-aaral mula sa Buda National High School, Division ng Lungsod ng Davao, Panuruan 2024-2025. Nagsagawa ng purposive sampling upang mapili ang mga kalahok. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng semi-structured na panayam. Gumamit ng thematic analysis para suriin ang datos. Sa mga karanasan sa pagbasa ng panitikan, lumitaw ang mga tema: Pagkilala sa Panitikan bilang Salamin ng Buhay at Lipunan; Paghubog ng Personal na Pananaw, Paninindigan, at Pagpapahalaga, at Paglalapat ng mga Natutunan sa Araw-araw na Buhay. Sa estratehiya, ang mga tema ay: Pagbabasa nang May Layunin at Pagpapalawak ng Kognitibong Kasanayan, Muling Pagbasa at Pagbagal ng Tempo bilang Paraan ng Pag-unawa, Paggamit ng Teknolohiya at Mga Mapagkukunan sa Paligid, at Pagangkop ng Estratehiya Batay sa Uri ng Akda o Kapaligiran. Iminungkahi rin ng mga mag-aaral ang pagsasagawa ng mga interaktibong literary workshops, book clubs, at thematic discussions. Ang mga natuklasan ay maaaring magsilbing batayan sa pagbuo ng mga makabuluhang programa at estratehiya sa pagtuturo ng panitikan, batay sa lokal na konteksto ng mga mag-aaral. Keywords — Panitikang Filipino, kahusayan sa pagbasa, kontekstuwalisadong gawain