SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Tawid-Disiplinang Pagtuturo: Pagtatagumpay, Mga Hamon at Adhikain sa Pagtuturo ng Iba’t Ibang Disiplina

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

GINALEE B. GENERALE



ABSTRACT

—— Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang mga karanasan, hamon, at adhikain ng mga gurong nagtuturo ng mga asignaturang hindi alinsunod sa kanilang espesyalisasyon, partikular sa larangan ng Filipino. Gumamit ng kwalitatibong disenyo, partikular na ang phenomenological na pamamaraan, upang maunawaan ang mga pananaw at saloobin ng mga kalahok hinggil sa kanilang propesyunal na paglago at mga estratehiyang ginagamit sa pagtuturo. Nakatulong ang lente ng Social Cognitive Theory ni Albert Bandura (1986) sa pag-aanalisa ng papel ng self-efficacy at interaksyon sa pagitan ng guro, kapaligiran, at mga personal na karanasan sa paghubog ng kanilang kakayahan. Lumitaw sa resulta na ang mga guro ay aktibong naghahanap ng mga angkop na pamamaraan at suportang pang-propesyonal upang mapunan ang kanilang kakulangan sa pedagohikal na kaalaman, na nagreresulta sa mas malikhain at kontekstuwalisadong pagtuturo. Ipinapakita rin ng pag-aaral ang pangangailangan para sa mas inklusibo at interdisiplinaryong mga programa sa propesyunal na pag-unlad ng mga guro, kasama ang pagbuo ng komunidad ng mga guro at paggamit ng teknolohiya upang mapalawak ang akses sa mga materyales at suporta. Sa kabuuan, ang mga adhikain ng mga gurong ito ay sumasalamin sa isang kolektibong layunin na makapaghatid ng dekalidad at makabuluhang edukasyon sa kabila ng mga limitasyon sa espesyalisasyon. Keywords — Tawid-disiplinang pagtuturo, propesyunal na pag-unlad ng guro, self-efficacy