SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Araling Pampanitikan at Pag-unawa sa mga Araling Pang-kasarian sa Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

VELJUN M. CUIZON



ABSTRACT

—— Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin at suriin ang karanasan, mga hamon, at kurokuro ng mga mag-aaral sa baitang 9 sa pag-unawa ng araling pampanitikan na may temang pangkasarian. Gumamit ang mananaliksik ng penomenolohikal na disenyo upang higit na maunawaan ang pananaw at damdamin ng mga kalahok hinggil sa kanilang karanasan. Sampung (10) mag-aaral ang lumahok sa pananaliksik mula sa isang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Digos. Ang pananaliksik ay nakatuon sa tatlong sa karanasan, hamon, at kuro-kuro at pagninilay ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng thematic analysis, lumitaw ang mga temang: Pagpapalawak ng Kamalayan, Pag-usbong ng Empatiya, Pagpapalalim ng Kritisismo, at Mga Hamon sa Pag-unawa. Kabilang din ang Mapanuring Pagbasa, Pagkilala sa Kakulangan, Suporta mula sa Guro at Kapwa, Kuro-kuro ng Mag-aaral, Pagkilala sa Pagkakaiba, Pagmulat sa Diskriminasyon, at Pagbuo ng Sariling Pagkakakilanlan. Ipinakita ng resulta na ang panitikang may temang pang-kasarian ay mabisang kasangkapan sa paghubog ng kamalayan, empatiya, at kritikal na pag-iisip ng mag-aaral. Nagbibigay ito ng mahahalagang pananaw para sa pagpapabuti ng pagtuturo ng panitikan sa sekondarya. Mga Susing Salita — Panitikang pang-kasarian, karanasan ng mag-aaral, hamon sa pagunawa, empatiya, kamalayang panlipunan