ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
— Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng edukasyon, lagi’t laging layunin ng kurikulum ang mapalawak at mapaunlad ang kakayahang panlingguwistika ng mga mag-aaral sa Filipino. Kaugnay nito, isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang: (1) masuri ang lebel ng kakayahang panlingguwistika ng mga magaaral sa kursong BSIT 1 ng Ifugao State University-Potia Campus batay sa mga baryabol na sinusuri: (a) salitang pangnilalaman (content words); (b) salitang pangkayarian (function words); at (2) makapagmungkahi ng mga estratehiyang makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa wika. Kasama sa pananaliksik na ito ang 82 na mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Science and Information Technology 1 sa IFSUPotia Campus, na lumahok sa isang pagsusulit upang sukatin ang kanilang kakayahang panlingguwistika. Matapos makalap ang datos, sinuri ito gamit ang mean, pagraranggo (ranking), at limang antas ng pag-uuri ni Richardson (2011). Lumabas sa resulta na ang kasanayang panlingguwistika ng mga mag-aaral ay hindi lubusang nahuhubog, na may antas na “mababa” hanggang “katamtaman” sa halos lahat ng aspeto ng gramatika. Batay sa resulta ng datos, iminumungkahi ang iba’t ibang estratehiya upang mapataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa lingguwistika. Kabilang dito ang Lakbay Salita, na isang pakikipagsapalaran sa mga bahagi ng pananalita; Galaw-Galaw, Hula-Hula, na isang pagsasanay sa pagsambit ng kabayanihan; Hugot ng Hiraya, na isang palaisipan tungkol sa mga uri ng salita; Pagtagpo ng mga Pangatnig, na nagtatampok ng tugmaan ng mga panlambing; at Saliksikin ang mga Artikulo, na naglalaman ng talakayan at pagtatalakay. Magsisilbing tuntungan ang mga iminungkahing estratehiyang ito sa epektibong pagtuturo ng wika at pagpapahusay ng kakayahang panlingguwistika ng mga mag-aaral. Keywords: elektronikong kagamitan, mungkahing kagamitan, pagtuturo, sanayang aklat, teksbuk