ISSN: 2782-893X
eISSN: 2799-0664
ISSN: 2782- 893X
— Ang pag-aaral na ito ay sinuri ang antas ng paggamit ng teknolohiya na paraan sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Filipino 7 sa pag unawa ng teksto. Ang mga resulta ng pag-aaral ay naging batayan para sa isang Plano ng Pagpapabuti. Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptibo-kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik. Layunin ng disenyo ng pananaliksik na ito na ilarawan at suriin ang bisa ng paggamit ng teknolohiya bilang kasangkapan sa pagtaya ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng teksto sa asignaturang Filipino 7. Sa pamamagitan ng pangangalap ng datos mula sa mga aktwal na resulta ng pagsusulit na isinagawa gamit ang teknolohikal na kagamitan tulad ng mga online quiz applications, educational platforms (hal. Google Forms, Quizziz, Kahoot), at iba pa, matutukoy ang antas ng pag-unawa ng mga magaaral sa mga tekstong pampanitikan at di-pampanitikan. Ang Talahanayan 3 ay ang ugnayan sa pagitan ng Antas ng Paggamit ng Teknolohiya at Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral. Nilalaman ng talahanayan ang resulta ng pagsusuri sa istatistikal na relasyon gamit ang Pearson correlation coefficient (r), computed value ng t, table value sa 0.05 level of significance, desisyon ukol sa null hypothesis (Ho), at interpretasyon ng ugnayan. Batay sa talaan, ang computed value ay mas mataas kaysa sa table value dahilan upang tanggihan ang null hypothesis (Reject Ho). Ang correlation coefficient ay nagpapahiwatig ng moderate at positibong ugnayan sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya at akademikong pagganap. Nangangahulugan ito na habang tumataas ang antas ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, may posibilidad ding tumaas ang pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong gawain. Ang kinalabasan ng pagsusuri ay may mahahalagang implikasyon. Ipinapakita ng mga datos na may makabuluhang ugnayan (significant relationship) sa pagitan ng antas ng paggamit ng teknolohiya at akademikong pagganap. Ang resulta ay nagpapahiwatig na ang paggamit ng teknolohiya ay hindi lamang nakatutulong bilang pantulong sa pagtuturo, kundi may direktang epekto rin sa pagtaas ng academic performance ng mga magaaral. Ang pagtutol sa null hypothesis ay nagpapatibay sa ideyang ang mas epektibong paggamit ng teknolohiya ay maaaring magdulot ng mas mataas na antas ng pagkatuto. Keywords — Paggamit ng Teknolohiya, Pagtaya, Pag uunawa ng TekstoFilipino 7