SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Ang Paggamit Ng Mga Manipulative Na Kagamitang Pambasa Sa Pagganap Ng Mga Mag-Aaral Sa Baitang 9 Sa Filipino

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

MARIEL A. ITLANAS



ABSTRACT

— Ang pag-aaral na ito ay sinusuri ang bisa ng mga manipulativ na kagamitang pampagbasa sa pagganap ng mga mag-aaral sa Baitang 9 sa Filipino sa Bunga National High School sa Dibisyon ng Baybay. Ang mga resulta ng pag-aaral ay magiging batayan para sa isang Plano ng Pagpapabuti. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibo-eksperimental na disenyo ng pananaliksik. Layunin ng pag-aaral na masukat at masuri ang bisa ng mga manipulatib na kagamitang pampagbasa sa pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Baitang 9. Sa pamamaraang ito, ikinumpara ang pagganap ng mga mag-aaral bago at matapos gamitin ang mga kagamitang pampagtuturo, gamit ang pre-test at post-test upang matukoy ang epekto ng interbensyon. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga piling mag-aaral sa Baitang 9 ng Bunga National High School sa ilalim ng Dibisyon ng Baybay. Ang mga kalahok ay pinili gamit ang purposive sampling batay sa kanilang kakayahan at partisipasyon sa mga aktibidad sa pagbasa. Nahati ang mga mag-aaral sa dalawang grupo: kontrolado (hindi gumamit ng manipulatib na kagamitan) at eksperimental (gumamit ng manipulatib na kagamitan). Ang datos na nakalap ay isinailalim sa statistical treatment tulad ng mean, t-test, at percentage upang masuri ang kaibahan ng resulta bago at pagkatapos ng paggamit ng manipulatib na kagamitan. Sa pamamagitan nito, mas malinaw na matutukoy kung may makabuluhang epekto ang paggamit ng mga kagamitan sa pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.Ang Talahanayan ay nagpapakita ng pagsusuri ng relasyon sa Antas ng Paggamit ng Teknolohiya at ang Akademikong Pagganap ng Mag-aaral. Nilalayon ng pagsusuring ito na tukuyin kung may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at ang naging resulta ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng Pearson’s correlation coefficient (r) at t-test, sinuri ang lakas at antas ng ugnayan ng dalawang baryabol sa 0.05 na antas ng kahalagahan (significance level). Batay sa resulta, ang nakuha na correlation coefficient ay 0.76, na nangangahulugang may malakas na ugnayan sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya at pagganap ng mga mag-aaral. Ang computed t-value ay mas mataas sa table value na dahilan upang tanggihan ang null hypothesis. Ipinapahiwatig ng datos na habang tumataas ang antas ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, positibo rin ang epekto nito sa akademikong resulta ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, ang interpretasyon na Significant Relationship (Strong) ay nagpapakita na may makabuluhang epekto ang teknolohiya sa pagtuturo ng mga guro na direktang nakaapekto sa pagkatuto ng mga magaaral. Nangangahulugan ito na ang mga kagamitan gaya ng mga interactive software, online learning modules, at multimedia presentations ay tumutulong upang mas maunawaan at mas mapahusay ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Ang resulta ay nagpapahiwatig na may malakas na ugnayan sa pagitan ng paggamit ng teknolohiya at akademikong pagganap. Ang resultang ito imply that ang integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ay may malaking epekto sa tagumpay ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng mga digital na kagamitan ay hindi lamang nakadagdag sa kaalaman kundi nakapagpataas din ng motibasyon at kasiglahan sa pagkatuto. Keywords — Manipulative na mga Kagamitang Pambasa, Mag-Aaral, Filipino